CBMS 2022 nagsimula na!!!

Nagsimula na ang Community-Based Monitoring System 2022 sa ating bayan Oktobre 17, 2022. Sinanay ng walong araw ang mga enumerator at supervisor upang isagawa ang maayos at kalidad na pagkalap ng datos tungkol sa sambahayan.

𝗠𝗴𝗮 𝗣𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝗱𝗲𝗻𝘁𝘀 𝗛𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗜𝘀𝗶𝗻𝗮𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗖𝗕𝗠𝗦 𝗗𝗮𝘁𝗮 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻
Ito ang mga ilang puntos na dapat tandaan ng publiko sa panahon ng CBMS data collection:
            1. Magsuot ng facemask at i-observe ang minimum health protocols.
            2. Siguraduhin na may suot na official CBMS ID ang mga data collectors bago magpa-interview.
            3. Sagutin ng tapat at totoo ang mga katanungan mula sa CBMS questionnaire.
CBMS, Para Sa Atin ‘To!

Maki-isa at Sumuporta sa Community-Based Monitoring System (CBMS) 2022.

“Swak na datos para sa Komunidad na Mas Maayos”